Tahong, bawal kainin mula Samar at Leyte – BFAR

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa Eastern Visayas na bawal muna ang pangongolekta, pagbebenta, at pagkain ng mga shellfish mula sa ilang baybaying lugar tulad ng tahong, halaan, at talaba gayundin ng alamang na mula sa karagatan ng Samar at Leyte.
Ito ayon sa BFAR ay matapos magpositibo sa red tide organism ang mga sample ng tubig-dagat sa naturang mga baybayin tulad ng Pyrodinium bahamense, isang microorganism na nauugnay sa red tide at mga toxin na maaaring magdulot ng paralytic shellfish poisoning.
Sa advisory na inilabas ng BFAR, nakasaad dito na ang mga sample ng tubig-dagat mula sa Irong-Irong Bay sa Lungsod ng Catbalogan, Samar, at Carigara Bay, na sumasakop sa mga katubigan ng Babatngon, San Miguel, Capoocan, Barugo, at Carigara sa Leyte ay nagpositibo sa Pyrodinium bahamense.
Inulit din ng BFAR ang umiiral ang shellfish ban sa Matarinao Bay sa Eastern Samar, na sumasakop sa mga munisipalidad ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo, matapos magpositibo sa mga toxin ng red tide ang mga nakolektang sample ng laman ng shellfish mula sa lugar.
Ang red tide ay tumutukoy sa mataas na konsentrasyon o pagdami ng ilang uri ng microscopic algae at iba pang microorganism sa tubig-dagat. Ang ilang species ay gumagawa ng mga toxin na naiipon sa mga shellfish at ang tubig ay maaaring magmukhang mapula
- Latest




















