^

Probinsiya

Mister timbog sa entrapment, baril nakumpiska

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang mister sa isinagawang entrapment ­operation ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa Brgy Emmanuel Bergado 1, Dasmariñas City, Ca­vite.

Nasamsam sa suspek na kinilalang si alyas “James,” nasa hustong gulang ang 1 cal .38 na baril na walang serial number at mga bala nito.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang magkasa ng entrapment ang ­Dasmariñas City Intelligence Operatives laban sa suspek matapos makatanggap ng impormasyon na nagbebenta ito ng mga baril na walang kaukulang papeles.

Agad naaresto ang suspek na kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearm and ammunition.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with