^

Probinsiya

4 dedo sa flashflood

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Apat-katao kabilang ang isang sanggol ang kumpir­ma­dong nasawi habang sam­pung iba pa ang nasu­gatan ma­karaang tangayin ng ma­lakas na agos sa pa­nanalasa ng flashflood sa apat na ba­ra­ngay sa Koro­na­dal City, South Cotabato noong Biyernes.

Narekober naman noong Sabado ng umaga ang mga bangkay nina Anita Patricio, 37; Linda Iris, 78; Renie Boy Patricio,10 buwang gulang at si Mekaila Patricio, 5, pawang mga nakatira sa Sitio Upper Acub at Brgy. San Isidro. Ayon kay P/ Chief Supt. Felicisimo Khu Jr., na­apek­tuhan ng tubig baha ang highway sa Brgy. Carpenter Hill; Brgy Sarabia at Aquino Street sa Brgy. Zone 3; pa­wang nasa Koronadal City. Samantala, sampu na­mang residente ang naisu­god sa South Cotabato Provincial Hospital habang patuloy na pinaghahanap ang isang sanggol na na­wawala.

Aabot naman sa 70 pa­milya ang naapektuhan ng flashflood ang ngayon ay nasa San Isidro Elementary School bilang evacuation center. Patuloy naman ang isina­sagawang clearing, search and relief operations ng mga tauhan ni P/Senior Supt. Benito Seron.

ANITA PATRICIO

AQUINO STREET

BENITO SERON

BRGY

BRGY SARABIA

CARPENTER HILL

CHIEF SUPT

FELICISIMO KHU JR.

KORONADAL CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with