2 wanted sa krimen dakma
KAMPO ALEJO SANTOS, Bulacan, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang sa krimen makaraang maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Bulacan kahapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. Fernando Villanueva, ang mga suspek na sina Edward Yamsuan, 21, ng Brgy. Tibag, Baliwag at King Melody Dela Cruz 18, ng Area G, Brgy. Citrus 1, San Jose del Monte City, Bulacan.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jaime Samonte ng Regional Trial Court Branch 21, si Yamsuan na pangunahing suspek sa pagpatay sa hepe ng barangay tanod ng Poblacion sa Bustos na si Elogio Ramos noong Nobyembre 9, 2009 ay naaresto sa Barangay Salangan sa bayan ng San Miguel, Bulacan
Samantala, si Dela Cruz na responsable sa pagpatay kay Conrado Amistoso noong Marso 19, 2010 ay nadakip sa Barangay Citrus sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Belen Ringpis Liban ng RTC Branch 85.
- Latest
- Trending




















