Marines tumanggi sa suhol pinarangalan
MANILA, Philippines - Pinarangalan ng mga opisyal ng Philippine Marines ang isa sa kanilang sundalo na sinasabing tumanggi sa suhol noong kasagsagan ng May 10, 2010 national elections sa bayan ng Patikul, Sulu.
Ito ang inihayag kahapon ni Navy spokesman Marine Lt. Colonel Edgard Arevalo, na tinukoy ang pinarangalan mula sa tropa ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 5.
Ayon sa ulat, ang mga sundalo ng MBLT 5 sa ilalim ni ex-Philippine Marines Commandant Major Gen. Juancho Sabban na nagtiyagang nagbabantay sa polling precinct sa Barangay Buhanginan sa nabanggit na bayan ay hindi ipinagpalit ang kanilang dignidad at hindi nagpasilaw sa tukso ng salapi.
Iprinisinta ni Sabban sa lider ng 15-men team ng MBLT 5 na si 2nd Lt. Marcelo Flores na tumangging kunin ang P.1 milyong suhol ng mga mandarayang lokal na kandidato.
Sinabi ni Arevalo na ang tropa ni Flores ay nila pitan ng mga lider ng campaign at supporters ng tiwaling lokal na kandidato na inalok ang mga ito ng malaking halaga para makapandaya sa eleksyon pero tumanggi ang mga sundalo na lisanin ang kanilang binabantayang polling precinct.
“They wanted the Marines to leave the school to let the unscrupulous politicians to fill up the remaining ballots for their favored candidates,” ayon kay Arevalo kaugnay sa salaysay ni Pfc. Rhomel Divina.
Napag-alamang tinanggihan ni Divina ang suhol na sinabing kapalit ng 300 balota ang nais ng mga mandaraya na sila ang mag-fill up sa nasabing polling precints kaya pinaaalis ang mga sundalong nagbabantay dito.
Nabatid pa na ang MBLT 5 ay pinamumunuan ni Lt. Col Camilo Balutan na matinding disiplina ang itinanim sa kaniyang mga tauhan.
- Latest
- Trending