^

Probinsiya

3 paslit nalason sa tuba-tuba

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlong bata ang naratay sa pagamutan makaraang malason sa kinaing bunga ng tuba-tuba sa General Santos City kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina John Mark Castillo, 7; Floramie Ayuban, 5; at Joshua Batiansila, 5, pawang resi­dente ng Promise Land, Barangay Mabuhay ng lungsod. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, pasado alas-10 ng umaga habang naglalaro ang mga biktima sa kanilang bakuran ng mapagdiskitahang mamitas ng bunga ng tuba-tuba. Inakala umano ng mga biktima na isa lamang uri ng pru­tas ang naturang tuba-tuba kaya kinain nila ang buto ng nasa­bing halaman. Gayunman, ilang oras matapos na makain ang tuba-tuba ay nagsimula ng dumaing ng pananakit ng tiyan, ulo at pagsusuka saka matinding pagkahilo ang mga biktima bun­sod upang isugod ang mga ito sa pagamutan.

BARANGAY MABUHAY

CAMP CRAME

FLORAMIE AYUBAN

GAYUNMAN

GENERAL SANTOS CITY

INAKALA

JOHN MARK CASTILLO

JOSHUA BATIANSILA

PROMISE LAND

TUBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with