^

Probinsiya

Shootout: Holdaper patay, 2 pulis sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patay ang isang pinag­hihinalaang notoryus na holdaper, ha­bang sugatan naman ang dalawang pulis sa shootout sa pa­gitan ng mag­­kabilang panig sa Brgy. San Isidro, Cabuyao, Laguna nitong Biyernes ng gabi. Kinilala ang napatay na suspect sa pamamagitan ng identification card nito na si Nemar San­chez, ng Alami­nos, Laguna. Pakay naman ng pag­tugis ng mga awtoridad ang isa nitong kasama­hang nakata­kas bitbit ang P 80,000 cash na tinangay ng mga ito mula sa bikti­mang si Flaviano Di­zon, 53 na hinarang ang sa­sakyan at hinoldap ng mga suspect. Isinugod naman sa Ospital ng Cabuyao ang sugatang sina Supt. Dante Novicio, hepe ng Sta. Rosa City Police Office at PO1 Lydio Jajara. Ayon kay Sr. Supt. Gilbert Cruz, Provincial Police Office (PPO) Director ng Laguna, da­kong alas-6:20 ng gabi ng masukol ng tumutugis na elemento ng Cabuyao Police ang mga holdaper sa kaha­baan ng NIA Road, Brgy. San Isidro, Cabuyao, Laguna. Bago ito ay hi­na­rang ng mga suspect ang Pajero ng mag-asawang sina Dizon at misis nitong si Belen Lapuz-Dizon sa Brgy. Gulod, Cabu­yao, Laguna saka nagdeklara ang mga ito ng holdap. Nag­res­­ponde naman ang Cabuyao Police at tinugis ang mga suspect na nakipag­palitan ng putok sa mga awtoridad kung saan pina­­ putukan rin ng mga suspect ang paparating na mobile car ni Novicio na ikinasugat ng nasabing hepe. Narekober sa pi­­nang­yarihan ng bakbakan ang isang cal. 45 pistol at ang motorsiklong walang plaka na ginamit ng mga suspek.

vuukle comment

BELEN LAPUZ-DIZON

BRGY

CABUYAO

CABUYAO POLICE

DANTE NOVICIO

FLAVIANO DI

SAN ISIDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with