^

Probinsiya

6 holdaper todas sa shootout

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Anim-katao na sinasabing miyembro ng notoryus na robbery/hold­up gang ang napaslang makaraang makipag­ba­rilan sa mga alagad ng batas sa bahagi ng Ba­rangay San Francisco sa bayan ng Biñan, Laguna noong Mi­yerkules ng gabi.

Tatlo sa anim na na­patay ay sina Joey Lla­gas, 25; Severino Abotok at si Jaime Segundo Jr. habang inaalam pa ang pagka­kakilanlan sa tatlo.

Samantala, sugatan na­man si PO1 Webster Ortiz Cruz matapos magta­mo ng bala ng baril sa kanang binti at kaliwang balikat at ngayon ay nag­papagaling sa University of Perpetual Help Medical System Hospital.

Nabatid na ang anim na sinasabing sangkot sa serye ng holdapan sa Laguna ay kalimitang guma­gamit ng traysikel para maisagawa ang kanilang modus operandi sa ma­didilim na bahagi.

Ayon kay P/Senior Supt Gilbert Cruz, Laguna police director, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa kahina-hina­lang grupo ng kalalakihan na sakay ng dala­wang traysikel at gumagala sa bisinidad ng Barangay San Antonio.

Kaagad namang nag­latag ng checkpoint ang pulisya kung saan na­mataan naman ang dala­wang grupo na lulan ng traysikel sa kahabaan ng highway ng Barangay San Francisco bandang alas-8:30 ng gabi.

Gayon pa man, nang pahintuin ng pulisya sa checkpoint ay biglang sumibad palayo kaya nag­kahabulan ng ilang minuto hanggang makor­ner sa bisinidad ng Irene Ville Subdivision.

Subalit, imbes na sumu­ko ay agad na pinaputukan ng grupo ang sasakyan ng pulisya kung saan nauwi sa shootout.

Nakarekober ang apat na baril, shot gun, grana­da, at iba’t ibang uri ng bala ng baril.

BARANGAY SAN ANTONIO

BARANGAY SAN FRANCISCO

IRENE VILLE SUBDIVISION

JAIME SEGUNDO JR.

JOEY LLA

SAN FRANCISCO

SENIOR SUPT GILBERT CRUZ

SEVERINO ABOTOK

SHY

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP MEDICAL SYSTEM HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with