Mag-aama niratrat sa lawa
RIZAL, Philippines — Niratrat ng mga armadong lalaki ang mag-aama kung saan napatay ang isang 57-anyos na tatay habang nakaligtas naman ang dalawang anak nito kamakalawa ng umaga sa Laguna de Bay sa bayan ng Binangonan, Rizal. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Ely Bolante, 57, ng Brgy. Sapang 1 habang nakaligtas namang makatalon sa lawa ang mga anak nitong sina Valintin, 36; at Cinon Bolante, 37. Lumilitaw na namimingwit ng isda ang mag-aama nang dumating ang mga armadong lalaki na lulan ng bangkang-de-motor. Tinanong ang mag-aama kung kakilala si Mando at nang sumagot na hindi ay pinagbabaril na ang mga bik tima.
- Latest
- Trending