^

Probinsiya

1 pang suspek sa Maguindanao massacre arestado

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isa pa sa mga suspek sa malagim na Maguin­danao massacre na ikina­sawi ng 57 katao kabilang ang 32 me­diamen ang nasakote ng mga awto­ridad sa follow-up operation sa bayan ng Guin­dulungan ng lalawigan ka­makalawa.

Kinilala ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Regional Director Chief Supt. Bienvenido La­tag ang naarestong sus­pek na si Butukan Malang al­yas Da­tukan Malang Sa­libo na may reward sa ulo ni­tong P250,000.

Ayon kay Latag si Salibo na dating miyembro ng bi­nuwag na Civilian Volunteer Organization (CVO) ay ina­resto ng pinagsanib na ele­mento ng ARMM- Criminal In­vestigation and Detection Unit (ARMM-CIDU), Maguin­danao Provincial Police Office at Intelligence Unit ng Eastern Mindanao sa Brgy. Bagan, Guin­du­lungan, Maguindanao ban­dang ala-1:40 kamaka­lawa ng madaling-araw sa hide out nito sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng Quezon City-Regional Trial Court branch 221 sa kasong multiple murder kaugnay sa Maguindanao massacre.

Kasalukuyan nang ini­ha­handa ng ARMM Police ang paglilipat ng suspect sa Camp Bagong Diwa District Jail sa Bicutan, Taguig City. Sa tala ng PNP mahigit pa sa 100 sus­pect ang pinag­ha­hanap.

AUTONOMOUS REGION

BIENVENIDO LA

BUTUKAN MALANG

CAMP BAGONG DIWA DISTRICT JAIL

CIVILIAN VOLUNTEER ORGANIZATION

CRIMINAL IN

DETECTION UNIT

EASTERN MINDANAO

GUIN

INTELLIGENCE UNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with