^

Probinsiya

Ex-mayor dedo sa ambush

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang dating alkalde makaraang tambangan ng mga arma­dong kalalakihan sa ka­habaan ng highway sa Ba­rangay Poblacion sa bayan ng Compostela, Cebu ka­ma­kalawa ng gabi.

Tatlong bala ng baril at idineklarang patay sa Danao City District Hospital si Joselito “Cocoy” Reynes na naging mayor noong dekada 80 bago ang Edsa People’s Power I Re­volution at dating kon­sehal sa loob ng tatlong termino hanggang noong Hunyo 2010.

Sa ulat ng Police Regional Office 7 na nakara­ting sa Camp Crame, lulan ng pulang kotse na Hyun­dai Accent patungong Cebu City ang biktima nang hara­ ngin at pagbaba­rilin ng mga armadong ka­lalakihan na lulan naman ng motorsiklo. Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm kung saan sinasabing may kinalaman sa hidwaan sa pulitika ang krimen.

vuukle comment

CAMP CRAME

CEBU

CEBU CITY

COCOY

COMPOSTELA

DANAO CITY DISTRICT HOSPITAL

EDSA PEOPLE

HUNYO

POLICE REGIONAL OFFICE

POWER I RE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with