^

Probinsiya

6 Chinese nationals tiklo

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines Anim na Chinese nationals ang ina­resto ng pulisya matapos mahuli sa aktong nagsasa­gawa ng iligal na pagmi­mina sa bahagi ng Lallo, Cagayan, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nahuling dayuhan na sina Lin Zhenquo, 45; Lin Qingmu, 26; Lin Jianxin, 38; Lin Zhenbing, 41; Lin Wende 50 at Lin Derong, 36, pawang mga residente ng Yuchien, China.

Sinabi ni Cagayan Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Mao Aplasca, ang mga ito ay nasakote ng kanyang mga tauhan sa aktong illegal na nagmimina sa may Caga­yan River sa Lallo ban­dang alas-7 ng gabi noong Huwebes.

Napag-alaman na ang mga nahuling Intsik ay em­pleyado umano ng San You Phil Mining Trade Ltd., na nagsasagawa ng illegal na operasyon sa bansa.

“The Chinese are now in our custody. Their vessel is being guarded by our men while coordination is being conducted with the Department of Environment and Natural Resources and the provincial government for the filing of appropriate charges,” pahayag ni Aplasca.

vuukle comment

CAGAYAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DIRECTOR SR. SUPT

LALLO

LIN DERONG

LIN JIANXIN

LIN QINGMU

LIN WENDE

LIN ZHENBING

LIN ZHENQUO

MAO APLASCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with