^

Probinsiya

5-anyos ni-rape, ginilitan ng adik

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Brutal na ka­matayan ang sinapit ng isang 5-anyos na babae na pinaniniwalaang hinalay muna ng adik sa bawal na droga bago ginilitan ng barbed wire sa bakanteng lote sa bayan ng Cabatuan sa Isabela kamakalawa ng tanghali.

Ayon kay P/Senior Insp. Billy Mangali, hepe ng pu­lisya sa bayan ng Caba­tuan, ang bangkay ng bik­tima na ginilitan pa ng alambre sa leeg ay itinago sa pangalang Nene.

“She was found dress­ed in shorts and sando undershirt with a barbed wire around her neck, the neck was broken, which was the initial findings that caused her death,” pahayag ni Mangali

Lumilitaw sa pagsusuri na pinagsamantalahan mu­na ang bata bago gini­litan gamit ang alambre na na­kapulupot pa sa leeg ng biktima.

Naunang ipinaabot sa pulisya ang pagkawala ng bata matapos mapansin ng mga magulang na hindi nakauwi ang biktima noong Sabado.

Bandang alas-11:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima may 100 metro lamang ang layo sa kanilang bahay.

Samantala, pansaman­talang hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ng suspek para ‘di-makatakas sa dragnet operation na inilatag ng pulisya.

AYON

BANDANG

BILLY MANGALI

CABATUAN

ISABELA

LUMILITAW

MANGALI

NUEVA VIZCAYA

SENIOR INSP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with