^

Probinsiya

Vault keeper ng RD itinumba

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines Napaslang ang isang 37-anyos na vault keeper ng Cavite Registry of Deeds matapos pagba­barilin ng ’di-pa nakikila­lang lalaki sa harapan mismo ng kapitolyo sa Trece Martirez City ka­hapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Da­nilo Buentipo, hepe ng Trece Martirez PNP ang napatay na si Emmanuel Mamot ng House Land, sa bayan ng Imus, Cavite.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kapaparada lang ng kotse ni Mamot sa parking lot ng kapitolyo at naglalakad patungo sana sa kanyang opisina nang lapitan at pagbabarlin bandang alas-8:50 ng umaga

Nisugod pa sa Agui­naldo Hospital pero idi­nek­larang patay ang biktima.

Nakarekober ng tat­long basyo at slug ng calibre .45 baril sa crime scene.

Sa tala ang pulisya, no­ong March 3, 2009, napas­lang din si Cavite Registry of Deeds official Atty. Napoleon Gatmaitan at ang kanyang driver na si Benny Guanzon matapos ratratin ng mga armadong lalaki habang papasakay sa kanilang Isuzu Crosswind na nakaparada sa parking lot sa kahabaan ng Gover­nor’s Drive sa Brgy. San Agustin, Trece Martirez.

vuukle comment

AGUI

BENNY GUANZON

CAVITE REGISTRY OF DEEDS

EMMANUEL MAMOT

HOUSE LAND

ISUZU CROSSWIND

NAPOLEON GATMAITAN

SAN AGUSTIN

SHY

TRECE MARTIREZ

TRECE MARTIREZ CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with