2 katao dedo sa pamamaril
KIDAPAWAN CITY, Philippines — Dalawa-katao ang iniulat na napaslang matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Digos City, Davao del Sur noong Biyernes. Kinilala ni P/Chief Insp. Anthony Padua, hepe ng Digos City PNP, ang mga napaslang na sina Lito Celeste ng Barangay Cogon; at Al Edrada Gofredo, 36, ng Perfect Homes, Barangay Tres de Mayo ng Digos City. Magkaangkas sa motorsiklo sina Lito at Al patungong Digos Aplaya nang tambangan. Nabatid na si Celeste ay informant ng PNP, samantalang si Gofredo ay manager ng lumber store sa Digos City.
- Latest
- Trending















