^

Probinsiya

7 NPA sumuko kay Pacman

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pitong kalalakihan na sinasabing mga rebel­ deng New People’s Army ang sumuko kay boxing icon at ngayo’y Sarangani Governor Emmanuel “Pac­man” Pacquiao ka­ma­kalawa.

Kinilala ang mga re­bel­deng nagsisuko na sina Pablito Abendiola, 43; Ricardo Abendiola, 23; Ed­die Sabnal, 27; Elon Sab­nal, 48; Dodong Mangalan, 37; Reynaldo Onda, 37; at si Alcher Lopez na pawang nakatira sa Barangay Mudan, sa bayan ng Glan, Sarangani.

Ang mga rebeldeng su­muko ay iprinisinta sa mga opisyal ng lokal na pama­ha­laan sa kapitolyo ng Sarangani.

Isinuko rin sa mga opis­yal sa pangunguna nina Rep. Pacquiao, Sarangani Governor Miguel Domin­guez, Army’s 73rd Infantry Battalion Commander Lt. Col. Edgardo de Leon at 1002nd Infantry Brigade Commander Col Rainier Cruz III ang apat na Garand rifle, Carbine rifle, shotgun, cal. 45 pistol, granada at iba’t ibang uri bala.

Ikinatuwa naman ng mga rebelde na makita ng personal ang kanilang ido­long world champion na si Pacman sa larangan ng boksing.

Inamin ng mga ito na pagod na sila sa hirap at gutom na tinitiis sa kagu­batan kaya nagdesisyong sumuko sa gobyerno.

Nagdesisyong sumuko ang mga rebelde upang makapagbagumbuhay at umaasa sila na mababago na ang lahat sa ilalim ng mga bagong opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Pacman.

ALCHER LOPEZ

BARANGAY MUDAN

DODONG MANGALAN

ELON SAB

INFANTRY BATTALION COMMANDER LT

INFANTRY BRIGADE COMMANDER COL RAINIER CRUZ

NEW PEOPLE

PABLITO ABENDIOLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with