2-katao dinedo sa Cavite
CAVITE, Philippines — Patuloy na lumalala ang karahasan sa lalawigan ng Cavite kung saan dalawa-katao ang iniulat na napaslang sa magkahiwalay na barangay sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa. Ayon sa ulat, si Balbino Perez, 50, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang pamangking si Noel Perez, 28, sa bahagi ng Sitio Bayanan, Brgy. Cabanggan, Dapdap West sa bayan ng Silang. Samantala, si Vidal Jaurique, 50, ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng suspek na si Ulysses Mardagdag, 50, ng Brgy. San Lorenzo Ruiz 2 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite. Ayon sa pulisya, si Jaurique ay pinaslang habang namimili ng pantalon sa ikalawang palapag ng Sea Oil Compound sa Barangay Sabutan, Silang.
- Latest
- Trending




















