Bata pisak sa gumuhong pader
BATANGAS, Philippines — Nagwakas ng maaga ang kinabukasan ng batang lalaki habang sugatan naman ang pinsan nito makaraang matabunan ng gumuhong pader sa Barangay 3, Lipa City, Batangas kamakalawa ng hapon.
Namatay sa Lipa Medix Hospital si Richard James De Dios, 11, ng Barangay 9 Poblacion, Lipa City.
Samantalang sugatan naman si Denver Malibi ran at kasalukuyang ginagamot sa nabanggit na ospital.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt. George Dadulo, hepe ng Lipa PNP, naglalaro ang magpinsan sa ibabaw ng kongkretong pader malapit sa sapa sa may TM Kalaw Street nang biglang gumuho at matabunan ang dalawa.
Sa panayam kay Barangay Captain Armando Cornejo na posible na lumambot dahil sa patuloy na pag-ulan sa nakalipas na araw kaya tuluyang gumuho ang pader.
- Latest
- Trending