^

Probinsiya

5 NPA rebels todas sa palpak na raid

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Limang miyembro ng mga rebeldeng New Peo­ple’s Ar­my ang nasawi ha­bang mara­mi pa ang suga­tang tumakas matapos ang palpak na raid sa isang him­pilan ng pulisya sa bayan ng Cateel, Davao Orien­tal ni­tong Biyer­nes ng hapon.

Base sa report ng Police Regional Office (PRO)11, si­nabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Leonardo Espina na nasa 50 rebelde sa ilalim ng Guerilla Front (GF) 20 ang sumalakay sa detachment ng 11th Regional Safe­ty Ma­nagement Battalion (RSMB) sa Sitio Tagadao, Brgy. Pobla­cion, Cateel da­kong ala-1:10 ng hapon.

Agad naman ang mga itong sinagupa ng naka­ aler­tong puwersa ng mga awto­ridad.

Nasugatan sa insidente ang tatlong pulis na sina PO1’s Lino Layese, Mario Renjuijo at PO2 Cesar Camo­mot pero matagumpay na na­itaboy ang mga rebelde na nag­sitakas bitbit ang mga na­sugatan nilang kasamahan.

Samantala, matagumpay namang nakubkob ng tropa ng Army’s 61st Infantry Battalion (IB) ang isang malaking kampo ng mga rebelde sa operasyon sa Brgy. Camin­dangan, Sipalay City, Negros Occidental dakong alas-6 ng umaga kamakalawa.

Bandang alas-8:45 na­man ng umaga nitong Biyer­nes ay nakasagupa ng tat­long teams ng Scout Ranger Company at ng 11th Infantry Battalion ang grupo ng NPA re­bels sa pamumuno ni Ka Ryan sa Sitio Igpapa­tao, Brgy. Tacpao, Guihulngan, Neg­ros Oriental.

Ayon kay Col. Max Caro, Commander ng Army’s 303rd Brigade, apat sa kaniyang mga tauhan ang nasugatan sa engkuwentro at pinanini­walaan namang marami ang nalagas sa panig ng mga kalaban.

BIYER

BRGY

CATEEL

CESAR CAMO

DAVAO ORIEN

GUERILLA FRONT

INFANTRY BATTALION

KA RYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with