^

Probinsiya

Brodkaster dinedo sa singing contest

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isa na namang radio broadcaster na tumata­yong emcee sa singing contest ang binaril at na­patay ng ’di-pa nakilalang salarin noong Lunes ng gabi sa bayan ng Manay, Davao Oriental.

Napuruhan sa ibabang bahagi ng kanang teynga si Desidario Camangayan, 52, anchorman ng Sunrise FM radio na nakabase sa Mati City.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na nasa entablado ang biktima bilang emcee ng singing contest sa Ba­rangay Old Macopa nang maganap ang krimen ban­dang alas-10:30 ng gabi.

Nabatid na humalo sa mga manonood ng singing contest ang gunman saka malapitang binaril si Ca­ma­ngayan kung saan dugu­ang bumulagta sa en­tablado.

Kasunod nito, naghiya­wan naman at nagpanak­buhan ang mga contestant at ang mga manonood na sinasabing humalo sa ka­ra­mihang tao ang gunman kaya ’di-nakilala.

Kaugnay nito, bumuo na ang PNP ng Task Force Camangayan sa pamu­muno ni P/Senior Supt. Jorge Corpuz para resol­bahin ang brutal na krimen.

vuukle comment

CAMANGAYAN

DAVAO

DESIDARIO CAMANGAYAN

ISA

JORGE CORPUZ

MATI CITY

OLD MACOPA

SENIOR SUPT

SHY

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with