^

Probinsiya

Koreano na-depress, nag-suicide

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Posibleng na-depress matapos makipagkalas ang nob­yang Pinay, nagbigti sa punong-kahoy ang isang Koreano sa bayan ng San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang nag-suicide na si Youngpyo Hong, 52, ng Pecson Apartment sa Pecsonville Subdivision, sa Barangay Tung­kong Mangga. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Cra­me, ang bangkay ng biktima ay natagpuan ni Jeremy Ma­na­han na nakabitin sa isang puno sa Purok 5, Paradise 1, Ba­rangay Tungkong Mangga.

Lumilitaw sa imbestigasyon na bago ang isidente ay nakipag-inuman pa ang Koreano sa ka­niyang mga kaibigan noong gabi at sinabing desperado matapos kalasan ng nobyang Pinay na tinukoy lamang sa pangalang Michelle. Matapos ang ilang oras na pakikipag-inu­man ay nagpaalam na ang biktima sa mga kaibigan hang­gang sa madiskubre ang pagpapatiwakal nito kina­umagahan noong Linggo.

Narekober sa crime scene ang dala­wang piraso ng sobre na nakasulat sa wikang Koreano, love letter ng biktima sa kaniyang nobya. 

BARANGAY TUNG

CAMP CRA

JEREMY MA

KOREANO

MONTE CITY

PECSON APARTMENT

PECSONVILLE SUBDIVISION

PINAY

SAN JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with