^

Probinsiya

3 kidnap victims tinodas ng Sayyaf

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tuluyan na ring pinatay ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang tatlong kidnap victims ma­tapos marekober ang mga bangkay ng mga ito na pa­wang tadtad ng mga tama ng bala ng baril ang kata­wan kahapon ng umaga.

Ito ang kinumpirma ka­hapon ni Basilan Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Antonio Men­doza kung saan kinilala nito ang mga biktima na sina Clau­dio Mananita, emple­yado ng Manggal Agrarian Reform Beneficiary and Development Cooperative at ang dalawang baklang beautician na sina Ro­ lando Francisco Jr. at Dariel Quin­­tella, pawang resi­dente ng Isabela City, Basilan.

Ayon kay Mendoza, da­kong alas-10 kahapon ng umaga nang i-re­port ni Su­misip Mayor Haber Asa­rul ang pagkakatagpo ng mga rescuer ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 7 sa kanilang ba­yan sa bangkay ng tatlong kidnap victim sa bisinidad ng Barangay Sukaten na pa­wang tadtad ng mga tama ng bala sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan.

 Una rito, nagbanta ang grupo ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama na papatayin ang mga bihag kapag hindi naibigay ang P1-M ransom demand.

Magugunita na ang mga biktima ay dinukot ng may 30 armadong miyem­bro ng Abu Sayyaf mata­pos na harangin ang pam­pasa­herong jeepney ha­bang bumabagtas sa highway ng Sitio Mompol, Barangay Libug, Sumisip, Basilan noong nakalipas na Mayo 27.

Pinaniniwalaan namang nairita ang mga kidnappers dahilan hindi naibigay ang nasabing ransom kaya pi­nas­lang ang mga biktima.

Bukod dito, galit ang mga Muslim sa mga bading dahilan labag ito sa Islam na isa rin sa sinisilip na dahilan sa pagpatay sa mga biktima kung saan la­hat ng hostage ay napag­diskitahang ratratin.

Patuloy naman ang pagtugis ng tropa ng militar laban sa grupo ng mga kidnappers upang panagutin ang mga ito sa batas.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER FURUJI INDAMA

ABU SAYYAF GROUP

ANTONIO MEN

BARANGAY LIBUG

BARANGAY SUKATEN

BASILAN

BASILAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with