^

Probinsiya

Kawani pisak sa trak

- Ni Boy Cruz -

BULACAN , Philippines  – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang kawani ng kompanya makaraang madurog ang kalahati ng katawan na nagulungan ng trailer truck sa Barangay Saog sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. 

Namatay si Ben Hur Buncay, 28, habang himala namang nakaligtas sa kamatayan sina Jonel Tonel, 22; at Lea Adornado 19, pawang mga kawani ng Datu Puti Mfg. Corp sa Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan. 

Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng trailer truck na si Hermie Antonio, 45, ng Cabanatuan City, Nueva Ecija. Ayon kay PO2 Edgardo Tongol, magkakaangkas ang tatlo sa motor­siklo (2517 CS) patungong bayan ng Bocaue mula sa Ba­rangay Lambakin nang mahagip ng truck (CWU 761) sa kurbadang McArthur Highway sa Brgy. Saog.

Napag-alamang hiniram lang ni Buncay ang nawasak na motorsiklo kay Francisco Galope at natuklasan din na walang driver’s license ang biktima.

vuukle comment

BARANGAY SAOG

BEN HUR BUNCAY

BRGY

BULACAN

CABANATUAN CITY

DATU PUTI MFG

EDGARDO TONGOL

FRANCISCO GALOPE

HERMIE ANTONIO

JONEL TONEL

LAMBAKIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with