Lolo inutas ng akyat-bahay
LEGAZPI CITY, Philippines — Isang 63-anyos na lolo ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong miyembro ng Akyat-Bahay Gang kamakalawa ng gabi sa Barangay San Roque sa bayan ng Bato, Camarines Sur.
Tatlo bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Bienvenido Gabarda. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nagpapahinga ang biktima matapos na maghapunan nang pasukin ng mga armadong lalaki ang kanyang bahay.
Gayon pa man pumalag ang biktima kaya siya niratrat. Tinangay ng mga kawatan ang P23,000 naipon ng biktima at maging ang ilang gamit sa bahay ay nilimas.
- Latest
- Trending