^

Probinsiya

Army detachment ni-raid ng NPA

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang rebelde ang ini­ulat na nasawi habang li­mang sun­dalo naman ang malub­hang nasugatan ma­ta­pos na salakayin ng mga rebel­deng New Peo­ple’s Army ang Army detachment sa Sitio Chapter, Ba­rangay Maputi, sa Davao Oriental noong Lu­nes ng hapon.

Ayon kay P/Supt. Que­rubin Manalang, spokesman ng Police Regional Office-11, naganap ang ma­rahas na pag-atake ng NPA rebs sa detachment ng Philippine Army at Caf­gu sa nasabing barangay.

Sumiklab ang ilang minu­tong putukan na ikina­sugat nina Pfc Jumali Ab­dul Gafar, 42; Pfc Jimmy Nasayon, 39; Pfc Ronnie Cagam­pang, 32; Pfc Reynold Saul­da, 25; na pawang na­katalaga sa Army’s 25th Infantry Battalion at ang Caf­gu na si Marlito Ca­gapit.

Isa namang rebelde na hindi pa natukoy ang pa­ngalan ang napaslang na bi­nitbit ng kanilang mga kasa­mahang nagsitakas.

Nagawa namang ma­katangay ng mga rebelde ng isang K3 machine gun, dalawang M14 rifles, apat na Garand rifles at isang radio. Ang mga rebelde ay na­mataang nagsitakas patu­ngo sa direksyon ng Ba­rangay Pantukan, Com­postela Valley at Brgy. Kaus­wagan, Banay-banay, Da­vao Oriental. Patuloy na­man ang malawakang pag­tu­gis laban sa mga nagsita­kas na re­belde.

vuukle comment

DAVAO ORIENTAL

INFANTRY BATTALION

MARLITO CA

NEW PEO

PFC JIMMY NASAYON

PFC JUMALI AB

PFC REYNOLD SAUL

PFC RONNIE CAGAM

PHILIPPINE ARMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with