^

Probinsiya

Campaign coordinator ng solon nilikida

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng isang campaign coordinator ni La Union 2nd District Congressman Thomas Dumpit Jr., matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo sa bayan ng Tubao, La Union nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Charles Ulalan, 62, na agad na binawian ng buhay. Batay sa report ng La Union Provincial Police Office, na­ganap ang krimen sa kaha­baan ng Brgy. Francia Sur sa bayan ng Tubao.

Kasalukuyan umanong nakikipag-usap ang biktima sa isa nilang kasamahan nang biglang sumulpot ang mga armadong salarin.

Pagtapat sa biktima ay pan­samantalang huminto ang mga suspect saka pi­nagba­ba­ril ito na napuruhan ng tama ng bala ng cal. 45 sa ulo at du­­­guang bumulagta sa tabi ng kalsada. Mabilis namang tu­makas ang mga suspek.

Narekober naman sa pi­nang­yarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng nasa­bing baril. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng krimen kung saan kabi­lang sa sinisilip na anggulo ay ang posibilidad na may kinalaman ito sa pulitika.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CHARLES ULALAN

DISTRICT CONGRESSMAN THOMAS DUMPIT JR.

FRANCIA SUR

HUWEBES

LA UNION

LA UNION PROVINCIAL POLICE OFFICE

SHY

TUBAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with