^

Probinsiya

Barilan sa himpilan ng PNP, 2 utas

-

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang ini­ulat na napaslang maka­ra­ang ma­uwi sa barilan ang ma­initang pag­tatalo sa pagi­tan ng mga pulis at sundalo sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Ba­coor, Cavite kahapon ng hapon.

Sa teleconference ng Task Force HOPE sa Camp Crame, naganap ang in­sidente bandang alas-2:30 ng hapon sa labas ng him­pilan ng pulisya sa nabang­git na bayan.

Kinilala ang napatay na sina ret. Col. Arnulfo Obillo, Chief of Staff ni congressional bet Plaridel Abaya, at Marines Sgt. Juanito Paraiso.

Samantalang arestado naman ang isang sun­dalo na kumupkop kay Abaya para makaligtas sa in­sidente.

Isinugod naman sa St. Dominic Hospital ang sugatang si PO2 Em­manuel Gacosta ng Bacoor PNP at ang anak ni Abaya na nasa kritikal na kon­disyon.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng pulisya, lulan ng van ang grupo ni Abaya nang mag­tungo sa him­pilan ng pu­lisya kaugnay sa ilan nilang supporter na naka­piit.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nama­taan ni Abaya ang isang 60 caliber machine na hawak ng pulis kaya sinita nito kung saan nagkaini­tan hang­gang sa mag­katutukan ng baril ang grupo ng mga pulis.

Gayon pa man naka­takbo naman ang isang pulis at inalerto ang mga kasamahan niyang pulis sa loob ng presinto.

Nagresponde naman ang mga kasamahang pulis at nakipagbarilan sa grupo ni Abaya kung saan bumu­lagta ang apat.

Magugunita na ipinai­ilalim ni Abaya sa Co­melec control ang Ba­coor subalit may pumigil sa hindi mabatid na dahilan.

ABAYA

ARNULFO OBILLO

CAMP CRAME

CHIEF OF STAFF

JUANITO PARAISO

MARINES SGT

PLARIDEL ABAYA

SHY

ST. DOMINIC HOSPITAL

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with