^

Probinsiya

Quezon Huskers wagi sa MPBL championship

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Hindi na  lang sa Niyogyugan at Pahiyas Festival maaalala ang lalawigan ng Quezon.

Nasungkit ng koponan ng Quezon Huskers ang kauna-unahang division champion title sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) nitong Nobyembre 14,2024

Mula sa 5th seed season finish at division quarterfinals exit noong nakaraang taon, agad na umangat ang Quezon Huskers sa ikalawang taong prangkisa nito sa MPBL nang magtala ng 16-0 sa pag-uumpisa ng 6th season at magtapos ng numero uno sa South Division na may record na 21-7.

Patuloy pang namayagpag ang Huskers sa playoffs at winalis ang Negros Muscovados at Parañaque Patriots sa quarterfinals at semifinals bago maisahan ng Batangas City Tanduay Rum Masters sa homecourt sa Game 1 ng South Finals.

Agad namang bumawi ang Huskers sa Game 2 at pinatahimik ang mga Batangueño na nagsisigawan ng ‘uwian na’ bago tulu­yang maibuslo ni Jason Opiso ang game winning putback sa huling mga segundo ng laro.

Tuluyan nang tinuldukan ng Huskers­ ang pangarap ng Tanduay Rum Masters na makabiyahe patu­ngong Dubai para sa gaganaping national finals matapos ang mainit at dikdikang laban sa Do-or-Die Game 3 sa iskor na 65-60 at makopo ang South Division Finals. 

PAHIYAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with