^

Probinsiya

Shootout: 3 kidnaper todas

-

MANILA, Philippines - Tatlong notoryus na mi­yembro ng kidnap-for-ransom gang ang napas­lang kasunod ng pagkaka­ligtas sa dinukot na Fil-Am sa isinagawang rescue operation ng mga tauhan ng Police Anti Crime Emergency Response (PACER) at ng mga sundalo sa ba­hagi ng Tagaytay City, Cavite kaha­pon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PACER Chief P/S. Supt. Isagani Nerez kay PNP Chief Director General Je­sus Verzosa, kinilala ang nailigtas na biktima na si Sal­vacion Gamba Gorenflo, 39.

Si Gorenflo ay nasagip ng PACER at AFP Joint-Special Operations Group sa hideout ng mga kidnaper sa Filipinas Farm sa Brgy. Iruhin, Tagay­tay City dakong alas-3 ng ma­da­ling-araw.

Isa sa tatlong napatay ay nakilalang si Alex Espanola ng Novaliches, Quezon City.

Nasamsam sa mga na­pa­­tay na kidnaper ay tatlong ba­ril kabilang na ang Ingram machine pistol, Mitsubishi Lancer (PKL 306) at sari-sa­ring celpon.

Nabatid na si Gorenflo ay dinukot noong Abril 11 sa Brgy. Bukal, Dasmarinas, Cavite kung saan nauna na ring humingi ang mga kidnaper ng US$ 1 milyong ransom sa pa­milya ng biktima na nasa Estados Unidos.

Walang naibayad na ransom ang pamilya ng biktima matapos na matunton ng mga awtoridad ang pinagkukutaan ng mga kidnaper.

Nai-turnover na sa US Em­bassy si Gorenflo ha­bang patuloy ang pagtugis sa iba pang suspek. Cris­tina Tim­bang, Joy Cantos at Arnell Ozaeta

vuukle comment

ALEX ESPANOLA

ARNELL OZAETA

BRGY

CAVITE

CHIEF DIRECTOR GENERAL JE

CHIEF P

ESTADOS UNIDOS

FILIPINAS FARM

GAMBA GORENFLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with