^

Probinsiya

Killer gas: 5 katao utas

- Ni Jonie Capalaran -

BATAAN, Philippines — Hindi naka­ligtas kay kamatayan ang limang treasure hunter na naghuhukay sa sinasabing mga bara ng ginto na ibi­naon ng mga sundalong Ha­pones noong World War II matapos ma-suffocate sa nakalalasong usok ng water pump sa may 60 metrong la­lim na balon sa Sitio Ar­rienda, Barangay Alangan sa bayan ng Limay Bataan kama­ka­lawa.

Idineklarang patay sa Limay Community Health Center sina Richard Del Pilar, 30, ng Pto. Rivas, Ba­langa City, Vener Ber­millo, 25, ng Barangay Tun­dol Highway; Angelito Ma­riano Sr., 42; anak nitong si An­gelito Mariano Jr., 22, kapwa nakatira sa Tundol Highway; at si Luisito Caparaz, 48, ng Sto. Niño, Barangay Cu­pang Proper, Balanga City, Bataan.

Nakaligtas naman si Pedro Mariano na malapit lamang sa lagusang pala­bas ng balon.

Lumilitaw sa ulat ni PO1 Reden Escudero, lumilitaw na dalawang buwan nang hinuhukay ng mga biktima ang balon sa pag-aakalang may nakabaong mga bara ng ginto.

Nabatid na hindi naka­yanan ng mga biktima ang ma­bahong amoy ng usok na nagmula sa water pump sa may 60 talampakang hukay kaya na-suffocate at nasawi ang mga ito.

Naiahon naman ang mga bangkay ng lima sa tulong na rin ng mga vo­lunteers sa lugar hanggang alas-8:30 ng gabi. Dagdag ulat ni Joy Cantos

BALANGA CITY

BARANGAY ALANGAN

BARANGAY CU

BARANGAY TUN

JOY CANTOS

LIMAY BATAAN

LIMAY COMMUNITY HEALTH CENTER

LUISITO CAPARAZ

MARIANO JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with