^

Probinsiya

Ex-Governor Sanchez pumanaw

-

BATANGAS, Philippines – Puma­naw na kagabi ang dating gobernador ng Batangas na si Armand Sanchez na isinugod kahapon sa Os­pital dahil sa brain hemorrhage.

Naunang idineklara ng mga duktor ang 72 oras na critical condition ni San­chez na muling kumakan­dida­tong gobernador ng lalawi­gan. Naunang napa­ulat na nadale si Sanchez ng heat stroke.

Ayon kay Dr. Isagani Bo­lompo, opisyal na spokesman ng pamilya Sanchez sa medical bulletin, sina Dr. Asis Encarna­cion at Dr. Leo Salud na pawang neuro-surgeons ang umo­pera kay Sanchez na tumagal ng 3-oras.

“Tinanggal ang mga namuong dugo sa utak ni Sanchez matapos ngang pumutok ang ugat nito kaya nawalan ng malay habang nasa kampanya,” pahayag pa ni Dr. Bolompo.

Una ring inihayag ni Bolompo na dahil maselan ang operasyon, umaabot lang sa 5% hanggang 10% ang tsansang makaligtas sa nasabing medical pro­cedures na inayunan din ni Dr. Encarnacion

Bago pumanaw, nana­ tili sa comatose at dinala sa intensive care unit si Sanchez.

Si Sanchez ay na-stroke na rin may anim na taon na ang nakalipas habang nilalabanan din ang sakit na diabetes at hypertension.

Ma­ ta­tan­daan noong Lu­nes, da­dala­win sana ni Sanchez ang mga kawani, officers, feed­millers at kanyang mga suporter sa Ladeco Feed­mill Inc. sa Brgy. Sabang, Lipa City nang mawalan ito ng malay-tao bandang ala-1:30 ng hapon.

Katunggali ni Sanchez sa lokal na eleksyon ang reelectionist na gobernador ng batangas na si Vilma Santos-Recto.

ARMAND SANCHEZ

DR. ASIS ENCARNA

DR. BOLOMPO

DR. ENCARNACION

DR. ISAGANI BO

DR. LEO SALUD

LADECO FEED

LIPA CITY

SANCHEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with