GF tinodas ng ex-bf bago nagbaril
MANILA, Philippines - Pinagbabaril muna ang kaniyang girlfriend bago nag-suicide ang isang lalaki nang tumanging makipagbalikan ang huli sa Toledo, Cebu kamakalawa.
Dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang si Michelle Rallos matapos barilin ng limang beses ng kaniyang dating kasintahang si Joseph Cadelina, 27 anyos.
Nang masigurong patay na ang kaniyang nobya ay saka naman itinutok ng suspek sa kanyang sentido ang hawak na baril na kinalabit nito.
Isang malakas na putok ang umalingawngaw na ikinasawi rin ng nasabing desperadong lalaki.
Batay sa imbestigasyon, sinabi ni Toledo City Police Chief Supt. Teofilo Siclot na naganap ang insidente sa Brgy. Sangi ng lungsod na ito dakong alas-7:45 ng umaga.
Inabangan umano ng suspek ang biktima sa lugar kung saan ay pinakiusapan itong makipagbalikan sa kaniya at ng tumanggi ang nasabing babae ay pinatay ito.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kasong ito.
- Latest
- Trending