^

Probinsiya

Spokesman ni Gov.Vi sibak sa media walk-out

-

BATANGAS , Philippines  – Sinibak ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang isa sa kanyang mga tauhan dahil sa pagwo-walk-out ng mga mamamahayag sa ginanap na press con­ference sa Batangas City kamakalawa ng umaga. Ayon kay Jun Dijan, chief of staff ng Batangas Capitol, tinanggal na nila bilang official Liberal Party spokesperson ng Batangas si Atty. Joel Montealto matapos pagkaisahan ng mga reporter dahil sa mga iresponsableng pahayag laban sa mga mama­mahayag. Nag-ugat ang walk-out ng mga miyembro ng Batangas Newswriters Association laban kay Atty. Montealto nang tumanggi itong pangalanan ang mga upahang mama­mahayag sa Batangas na naninira kay Governor Vilma Santos-Recto. Naunang nagpalabas ng press release si Atty. Montealto na nalathala sa ilang pahayagan na may mga upahang mamahayag ang ginagamit ng mga kalaban ni Gov. Vi upang birahin ang administrasyon ng gobernadora. Bunsod nito, hinamon ng mga mamamahayag na panga­lanan ni Monte­­alto ang mga upahang mamamahayag upang hindi naman ma­damay ang mga inosenteng manunulat. Ngunit hindi nagpa­unlak si Montealto at sa halip ay dine­pensahan pa ang kan­yang sarili na hindi naman anya mga mamahayag sa Ba­tangas ang kanyang tinutukoy. Dahil hindi niya mapanga­lanan ang tinutukoy na mamamahayag, hiniling na lang ng mga reporter na mag-apologize si Montealto pub­licly ngunit tu­manggi ito kaya nag-walk out ang mga mama­mahayag bilang protesta. Nilinaw naman ni Gov. Vi na wala sya sa nabanggit na press conference at mga tao lamang niya ang nag-initiate kung saan naganap ang walk-out.

BATANGAS

BATANGAS CAPITOL

BATANGAS CITY

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

BATANGAS NEWSWRITERS ASSOCIATION

GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

JOEL MONTEALTO

MONTEALTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with