^

Probinsiya

Plane crash: 3 dayuhan todas

- Ni Randy Datu at Joy Cantos -

CAMP OLIVAS, Pam­panga , Philippines  — Tatlong dayu­hang piloto ang iniulat na nasawi, habang tatlong iba pa ang ma­lubhang nasu­gatan makara­ang bumag­sak ang eroplano sa ba­hagi ng Brgy. Laput sa bayan ng Mexico, Pam­panga noong Miyerkules ng gabi.

Base sa ulat na tinanggap ni Central Luzon Police di­rector P/Chief Supt. Arturo Cacdac Jr., kabilang sa mga namatay ay sina Mikolay Bannon, Vadim Yakimov, kapwa Ruso at ang Bulgarian na si Tzvitoslav Guetchevski na pawang mga flight crew engineer.

Ang mga bangkay ng mga biktima ay natagpuan sa pa­ligid ng Mexico Cockpit Arena. Nasa malubhang kalagayan pa rin sa Macabebe Hospital sa San Fernando City sina Yuriy Tochonyy, 50, Ruso; Dimitriy Struminskiy, 39, Uzbekistan, kapwa piloto; at Bokhadir Ruziev, 44, Uzbe­kistan, plane engineer.

Nabatid na ang mga bik­tima ay lulan ng Russian-made cargo plane na may numerong UP-AN 216, na pag-aari ng Inter Island Cargo United Percel Services Ex­press Cargo na nakabase sa Manila.

Ayon sa ulat, nagmula ang eroplano sa Mactan aiport sa Cebu at patungong sanang Clark International Airport sa Pampanga nang makaranas ito ng faulty electrical system.

Ilang sandali pa ay namata­ang umuusok na ang erop­lano kasunod ang pag-ikot nito patungong bukiran kung saan ay tuluyan na itong bumagsak at sumabog ganap na alas-9:10 ng gabi. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

ARTURO CACDAC JR.

BOKHADIR RUZIEV

CENTRAL LUZON POLICE

CHIEF SUPT

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

DIMITRIY STRUMINSKIY

INTER ISLAND CARGO UNITED PERCEL SERVICES EX

MACABEBE HOSPITAL

MEXICO COCKPIT ARENA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with