^

Probinsiya

2-anyos sinunog ng ina

- Ni Boy Cruz -

BULACAN , Philippines  — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 2-anyos na anak na lalaki makaraang sunugin ng kanyang ina na sinasabing nalulong sa bawal na droga sa Baran­gay San Jose Patag sa ba­yan ng Sta. Maria, Bulacan kaha­pon ng madaling-araw.

Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Marcos Rivero kay P/Senior Supt. Fer­ nando Villanueva, kinilala ang nasawi na si Gian Carlos Prudencio habang na­aresto naman ang ina na si Gina Vergara, 43.

Sa ulat ni PO1 Ernesto Janapin, nagulantang ang mga natutulog na residente dahil sa nasusunog ang ba­hagi ng apartment na nire­rentahan ng suspek na pag-aari naman ni Manolito Julian.

Bago naganap ang in­si­dente ay napansin ng ilang kapitbahay na tila wala sa sarili ang ina kung saan ay nagsasalita nang walang kausap.

Gayon pa man, na­gulat na lamang ang kan­yang mga kapitbahay na su­misigaw ito sa loob ng kanyang kuwarto kasunod ang biglang pagliyab ng apartment.

Ayon pa sa imbesti­gasyon, nakakita ng basag na bote na may gasolina na sinasabing ginamit ng suspek sa pagsunog sa sarili nitong anak at na­ da­may ang kanyang ba­hay.

Pinaniniwalaang binu­husan ng gasolina ang da­mit ng batang natutulog bago sinindihan.

Napag-alaman din na nalulong na sa shabu ang ina at ito ang isa sa dahilan kaya nawala sa sarili at isinagawa ang krimen.

vuukle comment

AYON

BARAN

ERNESTO JANAPIN

GIAN CARLOS PRUDENCIO

GINA VERGARA

MANOLITO JULIAN

MARCOS RIVERO

SAN JOSE PATAG

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with