Mag-asawang NPA sumuko
MANILA, Philippines - Nagdesisyong magbalik-loob sa mga awtoridad ang sinasabing mag-asawa na miyembro ng New People’s Army sa Poblacion, Laak, Compostela Valley kamakalawa. Kinilala ang mag-asawa na sina Junifer Avila, alyas Ka Aweng, 23, ng Loreto, Agusan del Sur at Riezel Tolentino, alyas Ka Ivan, 18, ng Laak, Compostela Valley, at kapwa miyembro ng Sentro de Gravidad ng NPA Front 34. Bandang alas-9 ng umaga nang sumuko ang dalawa kay Army Chief Lt. Gen. Reynaldo Mapagu na bumisita sa Poblacion sa bayan ng Laak, Compostela Valley kamakalawa. Nabatid na si Tolentino ay 3-buwang buntis at nais na magbagumbuhay alang-alang sa kanilang magiging anak. Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ng militar ang mag-asawang rebelde.
- Latest
- Trending