14 sugatan sa road mishap
BATANGAS, Philippines – Labing-apat na katao ang isinugod sa ospital matapos magtamo ng mga sugat nang magbanggaan ang pampasaherong jeepney at isang asian utility vehicle (AUV) sa kahabaan ng highway sa Barangay Uno, Cuenca, Batangas kahapon. Ayon kay P/Senior Insp. Norman Cas-Oy, Cuenca police chief, lumilitaw na biglang nag-overtake ang Isuzu Sportivo (VEY-499) ni Rannie Gatchalian sa unahang sasakyan kaya sumalpok sa kasalubong na jeepney (DXH-792) ni Maximo Tenorio. Isinugod ang mga biktima sa San Jose District Hospital at mga ospital sa Lipa City kung saan patuloy naman ang imbestigasyon. Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending