^

Probinsiya

7 Sayyaf pinabulagta

-

MANILA, Philippines - Pitong bandidong Abu Sayyaf kabilang ang dalawang ba­bae na iniuugnay sa Jemaah Islamiyah terrorist ang ini­ulat na napatay sa isinagawang pre-dawn amphibious raid sa pinagkukutaan ng mga terorista noong Linggo sa bay­bay-dagat ng Barangay Pukan sa Laminusa Island, Siasi sa Sulu.

Sa ulat ng regional commander na si Brig. Gen. Rustico Guerrero, nagsimula ang pagsalakay bandang alas-3 ng madaling-araw na tumagal ng dalawang oras matapos ang mahabang surveillance laban sa grupo ni Abu Benhur alyas Boy Tondo na sinasabing kinakanlong ang Malaysian JI cell leader na si Zulkifli bin Hir alyas Abu Marwan.

Narekober ng mga sundalo ng 63rd Force Recon­naissance Company ang 15 malalakas na kalibre ng baril tulad ng M16 rifle, Garrand, Browning Automatic Rifle M14 rifle, FN FAL Belgian made assault rifle, M79 at M203 rifle.

Nabatid na maglulunsad ng panibagong pagpapasabog at pagdukot ang grupo ni Benhur sa iba’t ibang bahagi ng Sulu.

Si Marwan na isang US-trained Malaysian engineer ay may patong sa ulo na US$5 milyon at lider ng grupong Kumpulun Mujahidin Malaysia (KMM) kung saan miyembro ng central command ng Jemaah Islamiyah sa sangkot sa 2002 Bali bombing sa Indonesia.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng militar laban sa mga bandidong nagsitakas na pinamumunuan ni Abu Benhur. Ricky Tulipat at AP

vuukle comment

ABU BENHUR

ABU MARWAN

ABU SAYYAF

BARANGAY PUKAN

BOY TONDO

BROWNING AUTOMATIC RIFLE

FORCE RECON

JEMAAH ISLAMIYAH

KUMPULUN MUJAHIDIN MALAYSIA

LAMINUSA ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with