2 negosyante itinumba
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Napaaga ang kamatayan ng dalawang negosyante matapos pagbabarilin ng mga di-pa kilalang lalaki sa magkahiwalay na karahasan sa Cavite at Laguna noong Linggo at Lunes.
Ayon sa hepe ng pulis ya sa Tagaytay City na si P/Supt. Dexter Rellora, si Vicente Lepardo, 40, may-ari ng car trading ay pinagbabaril malapit sa kanyang puwesto sa Barangay Kaybagal South, Tagaytay, Cavite noong Lunes.
Nabatid na nakikipag-usap si Lepardo sa isang kliyente nang isagawa ang pamamaslng ng armadong lalaki na lulan ng motorsiklo.
Samantala, sa bayan ng Biñan, Laguna, napatay naman ang negosyanteng si Ferdinand Sanchez, 44, may-ari ng grocery store, matapos pagbabarilin sa Biñan Public Market noong Linggo ng hapon.
Si Sanchez ng Brgy. Dela Paz, Biñan, Laguna ay nakaupo sa harap ng kanyang tindahan nang ratratin ng mga suspek na alyas Boy Ilong at alyas Yao Ming. Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending



















