Lola ni-rape slay
RIZAL , Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 58-anyos na lola na sinasabing binusalan sa bibig at ilong ng kanyang kainuman ng alak kamakalawa sa Barangay Dulong bayan 2, San Mateo, Rizal. Bandang alas-5:30 ng hapon nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay si Luzviminda Bernardo ng Bensonville Subd. sa nabanggit na barangay. Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto naman ang suspek na si Jonathan Guiam, 29, ng Jacobe Street, Brgy. Manggahan, Rodriguez, Rizal.
Base sa police report, huling namataang buhay ang biktima na naki kipag-inuman sa ilang kapitbahay kabilang na ang suspek.
Nabatid na nagpasyang mag-uwian na ang mga kainuman ng biktima subalit habang papauwi ay biglang nagpaalam ang suspek na bumalik dahil naiwan nito ang kanyang bag kung saan kinabukasan ay natagpuan ang bangkay ng matanda. Danilo Garcia
- Latest
- Trending




















