US$50-bilyong proyekto sinimulan na
ZAMBALES, Philippines – Sinimulan na ang konstruksyon ng low-cost housing project na inilalaan para sa mga residenteng sinalanta ng Bagyong Ondoy sa bayan ng Botolan, Zambales.
Ang proyekto ay bahagi ng US$50-bilyon na ilalagak ng US-based Swiss Global Connect USA (SGC) at IPAC Philippines Management Corporation sa iba’t-ibang proyektong pangkaunlaran.
Maliban sa socialized housing project, magtatayo rin ng mga flood control-irrigation projects sa Macolcol, Maloma at Bucao rivers, suporta sa mga livelihood development program at iba pa.
Kabilang sa pauunlaring pasilidad sa turismo ay ang San Salvador Island, Masinloc Resort Complex, Mt. Tapulao sa Palauig Tourism Complex at Zambales Fantasy Island.
Sa pahayag ni Governor Deloso na gagawing financial district ang Subic sa may 620 ektaryang lupain kung saan magtatayo ng educational at learning center na may executive housing, parks, hotels, convention center at modernong ospital.
Nakapaloob din sa proyekto ang pagpapaunlad ng mineral exploration kung saan ay magkakaroon ng full compliance sa environmental policies.
Ang naturang proyekto ay isasailalim sa build, operate and transfer (BOT) at build operate and own (BOO) programs ng pambansa at panlalawigan.
Pinangunahan nina SGC/IPAC President/CEO Rubina Zahid at Zambales Gov. Amor Deloso ang ground breaking ceremony noong Lunes sa Barangay San Juan, Botolan, Zambales. Randy V. Datu
- Latest
- Trending