^

Probinsiya

PMA 2010 valedictorian, anak-maralita

-

MANILA, Philippines - Anak ng traysikel driver at tubong Dumaguete City ang top 1 sa graduating class ng Philippine Military Academy (PMA) na gaga­waran ng medalya at iba pang pa­rangal sa Marso 1.

Ito ang nabatid kahapon kay PMA Supt Rear Admiral Leonardo Calderon mata­pos na itang­hal na Class Vale­dictorian si First Class Cadet Erano Bontilao Belen. Si Belen ay tatanggap ng Presidential Saber sa kabu­uang 227 miyembro ng Mandi­rigmang Sibol ng Dakilang Lahing Kayu­manggi ( Masidlak ) PMA Class 2010 mula kay Pan­gu­long Gloria Maca­pagal-Arroyo na mag­si­silbing guest of honor at speaker sa okasyon.

Nag­mula sa ma­hirap na pamilya si Belen pero hindi ito naging had­lang para abutin ang kani­yang pangarap na mag­tapos sa PMA at ialay ang diploma sa kaniyang mina­mahal na mga magu­lang. Bago pu­ma­sok sa PMA, may apat na taon na ang nakakaraan ay nagsil­bing errand boy sa law firm sa Dumaguete City si Belen na kumuha rin ng units sa electronics, communications engineering at evangelical ministry.

Kabilang pa sa mga top graduates sa 2010 ay sina First Class Cadets Froilan Jick B. Binay-an, 2nd; Nolito O. Ebal, 3rd; Johnson R. Gonzales, 4th; Jaqcob Jorge A. Kho, 5th; Joel S. Perante, 6th; Erwin R. Villanueva, 7th; Alfie P). Agarao, 8th Karen N. Pa­dayao, 9th at Ric Ivan C. Joven, 10th. Joy Cantos

ALFIE P

BELEN

CLASS VALE

DAKILANG LAHING KAYU

DUMAGUETE CITY

ERWIN R

FIRST CLASS CADET ERANO BONTILAO BELEN

FIRST CLASS CADETS FROILAN JICK B

GLORIA MACA

JAQCOB JORGE A

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with