^

Probinsiya

Ama kinatay

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   — Kama­tayan ang sumalubong sa isang 73-anyos na ama makaraang pagsasaksakin ng kanyang anak na lalaki sa mismong ka­arawan ng matanda kama­kalawa ng gabi sa Barangay Panicua­son, Naga City, sa Cama­rines Sur. Halos mag­ka­gutay-gutay ang katawan ni Bartolome Verano Sr. nang tigilang ng suspek na si Barto­lome Verano Jr. na naaresto naman ng pulisya matapos isa­gawa ang brutal na pa­mamaslang. Lu­militaw sa imbestigasyon ng pulisya na magkasa­mang nag-iinuman ng alak ang mag-ama at ilang bisita kaugnay sa pagda­raos ng kaarawan ng ma­tanda nang kapusin ng alak. Ka­agad naman inutu­san ng ma­tandang lango na rin sa alak ang kanyang anak na bumili sa kalapit na tindahan subalit tu­mang­gi ito. Dito na binato ng bote ng alak ang suspek hang­gang sa maganap ang brutal na krimen. Ed Casulla

BARANGAY PANICUA

BARTO

BARTOLOME VERANO SR.

CAMA

DITO

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

NAGA CITY

SHY

VERANO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with