^

Probinsiya

5 bata dedo sa kuryente

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa limang batang lalaki matapos na makuryente habang nag­lalaro sa kalsada sa Ba­rangay Mojon sa bayan ng Pila, Laguna kahapon.

Kinilala ni P/Senior Inspector Anthony Gatang, hepe ng pulisya sa bayan ng Pila ang mga nasawi na sina Samuel Latigo, 4; Angel Joy Lavares, 4; John Carlo Serdan, 7, mga nakatira sa Barangay Mojon at ang mag utol na sina John Lorenz Alberto, 6; at John Alvin Alberto, 7, kapwa residente ng Ba­rangay Bulilan Sur.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, lumilitaw na magka­kasamang naglalaro ang mga bata sa gilid ng kal­sada sa nabanggit na barangay nang aksiden­teng maapakan ang naka­laylay na talop na linya ng kuryente bandang alas-5 ng hapon.

Namataan ng ilang re­sidente ang mga batang nagkikisay kaya kaagad nilang sinaklolohan at na­isugod sa ospital.

Gayon pa man, tatlong bata ang dead-on-the-spot samantalang namatay na­man ang dalawa habang ginagamot sa  Sta. Cruz Provincial Hospital.

Inaalam ng pulisya ang responsable sa linya ng kuryente na napabayaang nakalaylay.

vuukle comment

ANGEL JOY LAVARES

BARANGAY MOJON

BULILAN SUR

CRUZ PROVINCIAL HOSPITAL

JOHN ALVIN ALBERTO

JOHN CARLO SERDAN

JOHN LORENZ ALBERTO

PILA

SAMUEL LATIGO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with