^

Probinsiya

Ari ni mister pinutol ni misis

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nue­va Vizcaya, Philippines — Nag­­wa­kas ang sina­sabing pam­babae ng isang 28-anyos na mister mata­pos pu­tulin ni misis ang kanyang pag­kalalaki ka­hapon ng madaling-araw sa bayan ng Aparri sa la­lawigan ng Ca­gayan.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, nakilala ang bik­tima na si Sonny Ra­gon­jan habang ang kan­yang asawa na res­ponsible sa pamumu­tol ay nakilala naman na si Lita Ragon­jan na kapwa naka­tira sa Ba­rangay Centro 9.

Lumilitaw na bago isi­nagawa ng misis ang kan­yang balak sa kan–yang mis­ter ay sinasa­bing nag­talik pa ang mag-asawa.

Gayon pa man nang ma­katulog na nang ma­himbing ang lalaki ay ku­muha ng patalim ang misis at pinutol ang pag­kalalaki ng kanyang asa­wa na nagulantang sa kirot na naram­da­man. Ayon sa pulisya, ma­tin­ding selos ang nag­tulak sa misis para pu­tulin ang ari ng kan­yang mister ma­tapos maghi­nala na may ibang ki­nahu­hu­ma­li­ngang ba­bae ang kan­yang mister.

“It was probably due to extreme jealousy that led to the suspect’s chop­ping off her hus­band’s manhood,” pa­ha­yag ni P/Chief Inspector Ca­b­larda, hepe ng PNP sa Aparri.

Ang biktima ay na­sa Cagayan Valley Me­­dical Center sa Tu­guegarao City.

vuukle comment

APARRI

AYON

CAGAYAN VALLEY ME

CHIEF INSPECTOR CA

GAYON

LITA RAGON

LUMILITAW

NUE

SHY

SONNY RA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with