^

Probinsiya

5 sundalo bulagta sa rebelde

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Limang kawal ng 54th Infantry Battalion ng Phil. Army na sinasa­bing na­katalaga sa gina­gawang Halsema Highway ang ini­ulat na napaslang maka­raang makasagupa ng mga rebeldeng New People’s Army kamaka­lawa ng uma­ga liblib na bahagi ng Ba­rangay Mainit sa bayan ng Bontoc, Mt. Province.

Ayon kay Col. Loreto Ma­­gundayao, pinuno ng 5th Infantry Division na nakabase sa bayan ng Ga­mu Isabela, ang sagu­paan ay naitala dakong alas-10:30 ng umaga kung saan kabilang sa mga napatay ay sina Corporal Napoleon Ramirez, Private First Class Joseph Casem, Private First Class Velasco Mayao, Private First Class Joey Corpuz, at si Private First Class Camilo Abad habang sugatan naman si Private First Class Salvador Villanueva.

Nakasagupa ng tropa ng 54th Infantry Battalion’s Alpha Company sa pamu­muno ni 1st Lt. Victor Leo­poldo ang grupo ni Ka Ronnie/Ka Dandan.

“Our government troops were there to provide further security to the ongoing construction of the multimillion-peso Halsema Highway project of the national government when they chanced upon the rebels,” pahayag ni Magundayao.

Kasalukuyang tugis ng militar gamit ang helicopter mula sa 5th Infantry Division ang mga rebeldeng mula sa Kilusang Lara­ngang Gerilya ng Ilocos Regional Party Committee. Victor Martin

ALPHA COMPANY

CORPORAL NAPOLEON RAMIREZ

HALSEMA HIGHWAY

ILOCOS REGIONAL PARTY COMMITTEE

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

KA DANDAN

KA RONNIE

KILUSANG LARA

LORETO MA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with