^

Probinsiya

Coed sinaksak sa school campus

-

BATANGAS, Philippines – Pinanini­wala­ang kapabayaan sa tungkulin ng ilang opisyal ng eskuwelahan kaya na­ganap ang pananaksak sa isang 17-anyos na sopho­more student ng De La Salle ng kanyang dating nobyo sa loob mismo ng school cam­pus sa Lipa City, Batangas kamakalawa ng hapon.

Ayon kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police director, nagtamo ng saksak sa dibdib at tiyan ang biktimang itinago sa panga­lang Joan na naisugod naman sa Mary Mediatrix Hospital at ngayon ay ligtas na sa ka­matayan.

Kalaboso at pormal na ka­kasuhan ng pulisya ang suspek na si John Ryan Ma­ riño y Leviste, 18, computer engineering student, at resi­dente ng Malvar, Batangas.

Si Mariño ay kamag-anak ng mga Leviste sa Ba­tangas subalit hindi naman kilala ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Lumilitaw na pinalabas ng kanyang mga kaibi­gang babae si Joan sa loob ng klas­­rum ng electrical en­gineering sa room 407 ng 4th floor sa Mabini Hall para ka­usapin sa corridor ng school building.

Habang kausap ang mga kaibigan, biglang lumapit si Mariño at kinompronta ang dalaga bandang alas-2:30 ng hapon.

Sa salaysay ng mga saksi, habang nasa maini­tang pag­ ta­­talo ang dalawa, big­lang sinaksak ng suspek ang biktima bago ito tumakas.

Agad namang nakata­ wag pansin sa mga security guard ng school at naaresto ang suspek bago pa maka­layo.

Naalarma naman ang mga magulang ng nasabing paaralan dahil sa loob mismo ng school campus naganap ang krimen kung saan nag­palabas na ng statement ang vice chan­cellor ng De La Salle-Lipa na si Juan Lo­zano, na patuloy naman ang imbestigasyon at nag­bigay na sila ng as­sistance para sa hospitaliza­tion expenses ng biktima. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ALBERTO SUPAPO

ARNELL OZAETA

BATANGAS

BATANGAS VICE GOVERNOR MARK LEVISTE

DE LA SALLE

DE LA SALLE-LIPA

JOHN RYAN MA

JUAN LO

LEVISTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with