^

Probinsiya

Mag-asawa naaksidente sa biniling motor

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  — Dead-on-the-spot ang isang misis at nasa ma­lubha namang ka­lagayan sa pagamutan ang mister nito matapos masal­pok ng isang truck ang si­nasakyan nilang motorsiklo sa kahabaan ng kalsada ng Zone 3, Barangay Agos, Bato, Camarines Sur ka­ma­kalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawing misis na si Francia Ibar­rien­tos, nasa hustong gulang, saman­tala ang sugatan na mister na kaagad naman na isinugod sa pinaka­malapit na pagamutan ay si Dennis Ibarrientos, nasa hustong gulang, driver ng motorsiklo at residente ng naturang lugar.

Ang driver ng truck na kaagad naman na naaresto ng mga pulis ay kinilalang si Jener Flororita, 27, may asa­wa, residente ng Ba­ran­gay Hi­magtocon, Lagu­noy, Ca­ma­rines Sur.

Ayon sa ulat, ang aksi­dente ay naganap dakong alas-5:44 ng hapon ha­ bang ang mag-asawang bik­tima ay nakasakay sa kanilang ba­gong biling mo­torsiklo.

Habang binabagtas nila ang kahabaan ng kalsada ay bigla na lamang itong lu­miko sa kaliwa hanggang sal­pukin ng truck.

Tumilapon nang ilang metro ang babae na tuma­ma ang ulo sa kalsada na tinata­yang siyang naging sanhi ng agarang kamata­yan nito. Ed Casulla

vuukle comment

AYON

BARANGAY AGOS

BATO

CAMARINES SUR

DENNIS IBARRIENTOS

ED CASULLA

FRANCIA IBAR

JENER FLORORITA

LEGAZPI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with