Kagawad itinumba sa Ampatuan
KIDAPAWAN CITY, Philippines – Isang kagawad ng Barangay Kakal, Ampatuan, Maguindanao na si Talib Salahudin ang pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa kanyang bahay sa naturang barangay kamakalawa ng gabi.
Pinabulaanan naman ni Maguindanao Police Director Sr. Supt. Alex Lineses na si Salahudin ay pinsang-buo ni Ampatuan Vice Mayor Rasul Sangki na isang testigo sa pagmasaker sa may 57 katao sa Ampatuan noong Nobyembre 23 ng nakaraang taon.
Hindi anya si Salahudin ang naunang napaulat na nagngangalang Dok Uling na napaslang sa Barangay Kakal noong Martes at sinasabing pinsan ni Sangki.
Sa report ni Buluan vice-mayor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu, pinatay umano si Uling ng mga kaanak ni dating Maguindanao Governor Datu Andal Ampatuan Sr., isa sa mga akusado sa masaker. (Malu Manar)
- Latest
- Trending