13 katao sa Kabikulan
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Labintatlo-katao ang kinasuhan ng pulisya makaraang lumabag sa ipinatutupad na Comelec gun ban sa magkakahiwalay na lugar sa Kabikulan simula noong Enero 10.
Base sa ulat ng Regional Election Monitoring Action Center (REMAC), may pinakamataas na nasamsam ng mga baril ay sa Masbate na may bilang na 11, Camarines Sur 1 at Sorsogon 1 na pawang nahaharap sa paglabag sa Comelec Resolution # 8714 bilang paghahanda sa darating na May 10 eleksyon.
Napag-alamang inalis na ang mga security escort ng mga pulitiko at sa kasalukuyan ay nag-a-apply sa Joint Security Control Center upang mabigyan ng mga security aide na mangangasiwa sa implementasyon ng gun ban. Ed Casulla
- Latest
- Trending